^

Probinsiya

4 patay sa lumubog na bangkang -de-motor

-
SURIGAO CITY – Apat katao ang iniulat na nasawi habang 11 pa ang naisalba sa lumubog na bangkang-de-motor makaraang bumangga sa isang malaking bato ang sinasakyang bangka ng mga biktima habang ito ay lumiliko noong Huwebes ng hapon sa karagatan ng Surigao na sakop ng Brgy. Opon-in Tagana-an, Surigao del Norte.

Sa ulat mula sa himpilan ng Caraga PNP, lahat ng 15 pasahero na pawang miyembro ng Roman Catholic church ay dadalo sa isang pagpupulong nang maganap ang aksidente.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasawi na sina Fabia Villamor, Gellyn Tunjao, Marlon Paniamugan at Geloiro Saljuga.

Ayon pa sa ulat, isang hindi kilalang mangingisda sakay ng sarling bangka ang nakakita sa pangyayari kaya mabilis nitong ipinagbigay alam sa Caraga PNP upang maisalba ang mga biktima subalit ang apat ay nasawi dahil sa pagkalunod. (Ulat ni Ben Serrano)

vuukle comment

APAT

AYON

BEN SERRANO

CARAGA

FABIA VILLAMOR

GELLYN TUNJAO

GELOIRO SALJUGA

MARLON PANIAMUGAN

ROMAN CATHOLIC

SURIGAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with