Jailguard tinodas, 22 preso nakapuga
May 30, 2001 | 12:00am
MILAGROS, Masbate Dalawamput dalawang mga bilanggo ang tumakas sa kanilang selda matapos na todasin ng lider ng grupo ang isang jail guard habang ito ay kumakain ng kanyang hapunan sa loob ng Masbate Provincial Jail sa Barangay Matiporon sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawing jail guard na si Rodolfo Gonzales, 48, may-asawa, nakatalaga sa Masbate Provincial Jail at residente ng Pob. West ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek na lider ng grupo ng mga bilanggo ay sina Edgar Victoria Jr., 23, binata, at Anatacio Laurio, 25, may asawa, kapwa may kasong murder, habang ang 20 pang mga preso na kasama na tumakas ay bineberipika ang mga pangalan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang mga suspek ay tumakas dakong alas-9:00 ng gabi matapos na patayin ang jail guard na kumakain ng kanyang hapunan.
Nabatid na ang guwardiya ay nag-iisa lamang ng mga oras na iyon ng maganap ang pagtakas ng mga preso.
Hindi pa mabatid kung papaano nakalabas sa selda ang mga preso na dumaan pa sa harapan na pintuan ng naturang bilangguan.
Nagpalabas na ng kautusan si Bicol Police Chief Roberto Delfin na magsagawa ng isang malawakang paghahanap sa mga bilanggo.
Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad upang mabatid kung papaano nakalabas sa kanilang selda ang mga bilanggo. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 12 hours ago
By Victor Martin | 12 hours ago
By Omar Padilla | 12 hours ago
Recommended