^

Probinsiya

3 kidnaper nasakote

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Tatlo sa limang miyembro ng tinaguriang "Esting Gang" na pinaniniwalaang sangkot sa pagkidnap sa dalawang trader noong buwan ng Marso at Mayo ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan PNP, PIIB at 303rd CIDG kamakalawa ng hapon sa magkakahiwalay na lugar sa nasabing bayan.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Armadoo Cabral, 40, ng Baesa, QC; Alfredo Concepcion, 53, alyas Totoy Bulldog ng Sta. Maria, Bulacan at si Luisito Comia, 45, alyas Louie ng San Jose Del Monte.

Sinabi ni Bulacan Provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, na ang nasabing grupo ay pangunahing suspek sa pagkidnap kina Jake Ocampo ng Pateros, MM at Marco Sia na ipinatubos sa kanilang pamilya ng halagang P270,000 bawat isa kaya napalaya ang dalawang biktima.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang nasabing grupo ay lumilinya sa carnapping, gun running, drug pushing at kidnapping sa Region III at ilang bahagi ng Kalakhang Maynila. (Ulat ni Efren Alcantara)

ALFREDO CONCEPCION

ARMADOO CABRAL

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL DIRECTOR P

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

ESTING GANG

JAKE OCAMPO

KALAKHANG MAYNILA

LUISITO COMIA

MARCO SIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with