^

Probinsiya

Eskwelahan sinunog ng talunang kandidato

-
Sinunog ng mga hindi kilalang armadong kalalakihang miyembro ng private armies ng isang talunang mayoralty bet ang isang eskuwelahan sa panibagong insidente ng karahasang may kinalaman sa iprinoprotestang resulta ng halalan sa Buntong, Lanao del Sur, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, tinatayang umaabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa pagkasunog ng Raguindingnan Elementary School na matatagpuan sa Brgy. Raguindingnan, Buadipuso Buntong ng nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang panununog ay naganap sa pagitan ng alas-5:00 ng hapon at alas-6:00 ng gabi.

Isa sa mga suspek ay tinukoy lamang sa alyas na Jamalodin na umano’y kabilang sa mga private armies ng isang natalong mayoralty bet.

Lumilitaw sa imbestigasyon, na bago naganap ang insidente ay nagbanta ang mga suspek na susunugin ang paaralan na pinagdausan ng botohan at canvassing kapag natalo ang kanilang kandidato sa ginanap na eleksiyon.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kaso habang masusi ding pinaghahanap ang mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BATAY

BRGY

BUADIPUSO BUNTONG

BUNTONG

CAMP AGUINALDO

ISA

ISINASAILALIM

JAMALODIN

JOY CANTOS

RAGUINDINGNAN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with