^

Probinsiya

Coast guard kinondena sa isyu ng Spanish galleon

-
STA. CRUZ, Zambales – Ibinulgar kahapon ng pamunuan ng National Museum of the Phils. na nakikialam umano ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa napabalitang multi-milyong kayamanan artifacts na nakabaon sa ilalim ng dagat mula sa lumubog na Spanish galleon na pandigma ni Portuguese Conqueror Gubernador Heneral Juan Miguel Lopez de Legaspi sa karagatan ng Zambales noong panahon ng 16th century sa nabanggit na lalawigan.

Sinabi ni Antonio Peñaloza ng National Museum na sila ang dapat na may karapatang mangasiwa sa lumubog na barko at ang mga tauhan ng Coast Guard lamang ang mamahala sa kapaligiran ng karagatan upang magbantay sa sinumang nagtatangkang kumuha ng mga laman ng nabanggit na barko.

Kinondena rin nina Archeologist Cecil Bernardo at Eduardo Kunoco ng Far Eastern Foundation for Nautical Archeology ang ginawang pangha-harass ng mga Coast Guard sa kanila dahil hindi sila pinapayagang magsagawa ng diving operation sa naturang karagatan.

Nabatid na maraming mga artifacts ang kasalukuyang nasisisra dahil na rin sa kapabayaan ng mga tauhan ng Coast Guard na sila mismo ang nagsasagawa ng diving operation ng walang pahintulot sa pamunuan ng National Museum.(Ulat ni Erickson Lovino)

ANTONIO PE

ARCHEOLOGIST CECIL BERNARDO

COAST GUARD

EDUARDO KUNOCO

ERICKSON LOVINO

FAR EASTERN FOUNDATION

NATIONAL MUSEUM

NATIONAL MUSEUM OF THE PHILS

NAUTICAL ARCHEOLOGY

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with