^

Probinsiya

Away ng 2 political clan: 3 patay, 200 bahay sinunog

-
ZAMBOANGA CITY — Tatlong sibilyan ang iniulat na nasawi habang may 200 kabahayan naman ang sinunog ng mga hindi nakilalang armadong kalalakihan sa Brgy. Simbahan, bayan ng Pangutaran noong Huwebes.

Hindi pa mabatid ang mga pangalan ng nasawing sibilyan dahil sa nagpulasan ang mga residente habang nasusunog ang kanilang bahay.

Dahil sa kaguluhang naganap sa nabanggit na bayan ay nagtungo si Western Mindanao Commission on Elections Regional Director Atty. Helen Aguila-Flores upang personal na pangasiwaan ang ginanap na botohan.

Nabatid kay Flores na naging mabagal ang unang bugso ng botohan sa nasabing bayan dahil sa pagkakaaresto ng karamihan sa mga residente upang hindi na maulit ang kaguluhan.

Samantala, tinatayang aabot sa 11 kagawad ng pulisya ang inaresto ng militar dahil umano sa pagsuporta nito sa grupo nina Hadani at Sanoh na mahigpit na magkalabang political clan.

Ayon sa isang malapit na kamag-anak ng isang pulis na ayaw ipabanggit ang pangalan dahil sa seguridad ng kanyang buhay, hinubaran daw ng uniporme ang 11 pulis bago pinagtulungang gulpihin at wasakin ang lahat ng communications equipments.(Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHIL

ELECTIONS REGIONAL DIRECTOR ATTY

HADANI

HELEN AGUILA-FLORES

ROEL PARE

WESTERN MINDANAO COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with