^

Probinsiya

6 miyembro ng robbery gang timbog

-
Nalambat ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang anim na miyembro ng kilabot na highway robbery gang sa isinagawang raid sa hide-out ng sindikato sa Sitio Sapinit, Bgy. Fianza, San Nicolas, Pangasinan, kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Warlito Rodrigo, Armando Baloyo, Teofilo Soriano, Eddie Layco, Jerry Manangal at Virgilio Trinidad.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong 11:30 ng umaga nang salakyin ng magkkasanib n elemento ng 71st Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army at ng San Nicolas Municipal Police Station (MPS) ang safehouse ng mga suspek sa nasabing lugar.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na sa Sitio Sapinit naglulungga ang mga suspek kaya’t agad ang mga itong nagsagawa ng masusing surveillance operation.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang 9mm mini Uzi machine pistol na may dalawang magazine at 50 rounds ng bala; 2 M-653 rifles na may limang magazine at 140 rounds ng bala, 9mm parabelum pistol, .357 caliber Cobra colt pistol at .45 caliber Armscor pistol at 11 rounds ng bala. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMANDO BALOYO

CAMP AGUINALDO

EDDIE LAYCO

INFANTRY BATTALION

JERRY MANANGAL

JOY CANTOS

SAN NICOLAS

SAN NICOLAS MUNICIPAL POLICE STATION

SITIO SAPINIT

TEOFILO SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with