4 bangka lumubog; 11 mangingisda nakaligtas
May 12, 2001 | 12:00am
TERNATE, Cavite - Labing-isang mangingisda ang himalang nakaligtas sa apat na bangkang magkakahiwalay na lumubog sa karagatan ng Munting Mapino, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Marcelo Cordoben, 24; Arnold Mojica, 25; Reggie Baltazar, 42; Ian GAdi, 14; Joven Aguilar, 17; magkapatid na Romeo, 22 at Jeffrey Eroles, 23; Anmding Mesa, 43; Gila Cervacio, 19; Jericho Perea, 15; Willy Cabile, 37.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga biktima ay sakay ng apat na bangkang may markang Jenny, Niko Jay, Gard and Rex at Clair.
Batay sa impormasyon nakalap ng mga miyembro ng rescue workers, dakong alas-7 ng gabi kamakalawa nang maglayag ang mga biktima sa nabanggit na karagatan ng abutan ng masamang panahon hanggang hampasin ng malalaking alon ang kanilang bangka.
Nagpumilit ang mga biktimang lumangoy at maghanap ng nakakapitang tumaob na bangka at tumagal ng may 12 oras bago mamataan ng mga rescuers. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest