3 katao tiklo sa 1 kilong shabu
May 5, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Tatlong kalalakihan na pawang miyembro ng big time drug pushing sa Lipa City, Batangas ang nasakote ng mga operatiba ng Regional Anti-Monitoring Office 4 (RACMO) sa isinagawang drug bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang kilo na shabu kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sto. Niño, Biñan, Laguna.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Amer Sultan, 26; Malik Pagul, 28; at Merin Ampatua na pawang tubong Maranao na nakabase sa Muslim Center sa Quiapo, Manila.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang buy bust operation dakong alas 10 ng gabi, kamakalawa makaraang magpanggap na buyer ang isang hindi kilalang ahente ng pamahalaan sa mga suspek sa loob ng Jollibee malapit sa Olivarez Plaza ng nasabing brgy.
Sinabi ni P/Inspector Roger Fuentes, hepe ng RACMO, na naaktuhan ang mga suspek na may dalang isang kilo na shabu at marked money na halagang P.6 milyon kapalit ng droga.
May teorya ang pulisya na ang shabu na nakumpiska ay mula sa plantasyon ng droga sa Lipa City, Batangas na nadiskubre ng kapulisan noong nakalipas na linggo. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest