^

Probinsiya

Suspek sa P4M hold-up van ng Land Bank nasakote

-
SOLANO, Nueva Viscaya – Isa sa limang armadong kalalakihan na nangholdap sa isang sasakyan ng Land Bank at tumangay ng aabot sa halagang P4 milyon noong Feb. 13 sa Lagawe, Ifugao ang nasakote ng pulisya sa pinagkukutaan nito sa Brgy. Quezon, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na most wanted sa naturang rehiyon na si Joseph Palayon, miyembro ng kilabot na Bonnet Gang na may operasyong highway robbery/hold-up sa lalawigan ng Cagayan Valley at Eastern Cordillera.

Nakatakas naman ang dalawa pa nitong kasamahan na ang isa ay nakilala lamang sa alyas Mel.

Dahil sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad sa pinagkukutaan ni Palayon ay kaagad na humingi sa Regional Trial Court ng Quirino Province ng warrant of arrest bago sumalakay sa naturang lugar.

Nabatid na si Palayon ay may mga nakabinbing pang kasong murder at frustrated murder na iniuugnay sa pagkakapatay kay SPO1 Johnny Puguon noong 1999. (Ulat ni Charlie C. Lagasca)

BONNET GANG

CAGAYAN VALLEY

CHARLIE C

EASTERN CORDILLERA

JOHNNY PUGUON

JOSEPH PALAYON

LAND BANK

NUEVA VISCAYA

PALAYON

QUIRINO PROVINCE

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with