Presong babae ni-rape sa police station
May 2, 2001 | 12:00am
ROSARIO, Cavite Isang babaeng factory worker na nakulong sa kasong estafa ang pinagsamantalahan ng utility boy sa ikalawang palapag ng Rosario Police Station kamakalawa ng madaling araw sa naturang lalawigan.
Ang biktima na itinago sa pangalang Rachel, 31, dalaga ng Malagahay, Panapaan, Bacoor, Cavite ay dinakip at ikinulong sa nabanggit na police station sa kasong estafa.
Samantalang ang suspek na ngayon ay nakapiit sa naturang presinto ay nakilalang si Ernesto Garcia, may sapat na gulang at utility boy ng mga pulis sa nasabing estasyon.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, palihim na kinuha umano ng suspek ang susi ng detention cell dakong alas 3 ng madaling araw at sapilitang dinala ang biktima sa ikalawang palapag ng nasabing estasyon ng pulis.
Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay naisagawa ang maitim na balak ng suspek laban sa biktima.
Ayon sa pulisya, nagsampa ng reklamong rape ang biktima laban sa suspek makaraang nakapagpiyansya sa kasong kinakaharap.
May teorya ang pulisya na nagkaroon ng relasyon ang dalawa subalit mariing itinanggi ng biktima ang akusasyon ng pulisya.(Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest