Vice-mayoralty bet tiklo sa gun ban

CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang kandidato sa pagkabise-alkalde at ang kapatid nito ang inaresto ng pulisya matapos makuhanan ng tatlong matataas na kalibre ng baril sa isang checkpoint sa Bgy. San Nicolas 1 ng lalawigang ito kamakalawa.

Sa ulat ni Pampanga Provincial Police Office (PPPO) Director Supt. Ismael Rafanan, ang mga suspek ay nakilalang sina Lyndon Cunanan,vice mayoral bet sa bayan ng Magalang sa ilalim ng partido ng Lakas-NUCD at kapatid nitong si Patricio.

Ayon sa ulat ng pulisya, sakay ng isang Tamaraw FX (CKV-641) ang magkapatid nang pahintuin ang mga ito ng pulisya na nagsasagawa ng Comelec checkpoint sa nasabing lugar dakong alas 2:00 ng madaling araw.

Nang rekisahin ng mga pulisya ang sasakyan ay nakumpiska sa mga suspek ang isang .99 pistola, isang .45 automatic pistol at isang .9mm Ingram submachine gun.

Dinala ang magkapatid sa istasyon ng pulisya at nabigo ang mga ito na magpakita ng kaukulang permit mula sa Comelec na nagbibigay ng pahintulot na magdala ng baril sa panahon ng eleksyon. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments