Dinukot na tsinoy trader, tinodas ng mga kidnappers
April 26, 2001 | 12:00am
COTABATO CITY Brutal na pinaslang ng mga armadong kidnappers ang isang negosyanteng Filipino-Chinese habang tinatakasan nila ang mga humahabol na tauhan ng militar sa isang madugong kidnapping attack noong nakalipas na Martes sa Tacurong City.
Nakilala ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib na si Al Leung Ilao, may mga negosyo sa naturang lugar.
Base sa inisyal na ulat, tinanggap ng Sultan Kudarat provincial police office, na apat na armadong kalalakihan ang bigla na lamang pumasok sa tindahan ni Ilao sa city proper sa Tacurong. Agad na tinutukan ng mga ito ng baril ang biktima at sapilitang dinala sa bayan ng Lambayong.
Gayunman, agad na natunugan ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang naganap na pagdukot kung kaya hinabol nila ang mga kidnappers.
Nagkaroon ng maikling habulan at nang makokorner na ng mga awtoridad ang grupo ng mga suspect ay napilitan ang isa sa mga ito na barilin ng dalawang ulit ang biktima na namatay noon din.
Makaraang barilin ang kanilang bihag mabilis na tumakas ang mga suspect patungo sa Barangay Daladap malapit sa Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Sinabi pa sa ulat na isa sa mga suspect ang nasugatan din sa naganap na pagpapalitan ng putok ng magkabilang panig. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest