^

Probinsiya

Peace talks panel pa-Norway bukas

-
ALAMINOS CITY – Nakatakdang tumungo sa Oslo, Norway ang government peace panel bukas (Miyerkules) para sa itinakdang resumption ng peace talks sa pagitan ng National Democratic Front (NDF) sa darating na Abril 27 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary Hernani Braganza, miyembro ng peace panel na tatalakayin nila ang frameworks ng negosasyon at ang isyu na kailangang i-discuss.

Binanggit pa nito na may dalawang pangunahing isyung tatalakayin, ang comprehensive agreement of human rights and international law (CARHRIL) at ang socio economic reform agenda (SERA) sa pagitan ng kanilang grupo at ng NDF.

Idinagdag pa nito na ang delegado ng pamahalaan ay pangungunahan ng kanilang chairman na si Silvestre Bello III, Rene Sarmiento, Risa Hontiveros, Chito Gascon at ng kanyang komite.

Ang pag-uusap ay tatagal hanggang sa Mayo 1.

Nang tanungin tungkol sa sinseridad ng NDF, binanggit ni Braganza na naniniwala sila na sinsero ang grupo sa kanilang isasagawang mga pag-uusap.

Isa sa patunay umano ay ang pagbalik sa bansa ni Antonio Zumel buhat sa Netherlands na doon ito na-exile ng may 12 taon at isang signales na nagpapakita ng kanilang sinseridad. (Ulat nina Eva de Leon at Cesar Ramirez)

vuukle comment

ABRIL

AGRARIAN REFORM SECRETARY HERNANI BRAGANZA

ANTONIO ZUMEL

AYON

CESAR RAMIREZ

CHITO GASCON

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

RENE SARMIENTO

RISA HONTIVEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with