^

Probinsiya

Sekyu, janitor tinodas ng mga magnanakaw

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang security guard at isang janitor ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan nang pagnakawan ang binabantayang opisina sa Angeles City, Pampanga, kamakalawa.

Ang mga nasawi dahil sa mga tinamong tama ng mga bala sa katawan ay nakilalang sina Daniel Torres, 28, janitor at residente ng Bgy. Pandan, Magalang Road, Angeles City at Narciso Cudiamat, 47, security guard ng Purok 3, Bgy. Amsic na kapwa empleyado ng Rollier Security and Manpower Agency na matatagpuan sa Doña Pondiana Building, Rizal St., ng lunsod na ito.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na dakong alas 2:45 ng madaling araw nang pasukin at looban ng apat na suspek na armado ng kalibre .45 ang nasabing establisimiyento.

Nang ito ay sitahin ng biktimang si Cudiamat ay binaril agad ito ng mga suspek na ikinamatay nito noon din.

Nagising si Torres sa mga narinig na sunod-sunod na putok kaya ito ay lumabas ng kanyang quarter para alamin ang mga pangyayari.

Subalit paglabas niya ng kuwarto ay pinagbabaril din siya ng mga suspek.

Binuhat pa ng mga suspek ang bangkay ng dalawa at ipinasok sa loob ng banyo.

Tangay ng mga ito ang mahigit na P 200.00 cash, 3 shot gun at isang kalibre.38 baril. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ANGELES CITY

BGY

DANIEL TORRES

JEFF TOMBADO

MAGALANG ROAD

NARCISO CUDIAMAT

PAMPANGA

PONDIANA BUILDING

RIZAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with