Ito ang ibinunyag kahapon ni Cong.Rico M. Fajardo ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Nueva Ecija sa isang pagpupulong nito sa mga NGOs at lider sibiko.
Ayon kay Fajardo,opisyal na kandidato ng Lakas-NUCD sa pagka-gobernador na payag lumitaw ang testigo at makapagbigay ng testimonya sa pagpatay kay Perez.
Magugunita na kumandidato si Perez sa pagka-gobernador laban kay Gob.Tomas Joson noong 1995 at nasa kalagitnaan ng kampanya ay inambus ng mga suspek sa Talavera,Nueva Ecija.
Inaresto dito ang magkapatid na suspek na sina Tommy Joson at Quezon Mayor Cristino Joson subalit ang mga ito ay pinalaya sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulo Joseph Estrada matapos idismis ng korte ang kaso bunga ng di pagsulpot ng mga testigo at kawalan ng interes ng pamilyang Parez na ituloy ang kaso.
Tiniyak naman ni Fajardo na kanyang ipupursige ang pagbubukas ng kaso sa oras na makuha niya ang mga bagong ebidensiya para mabigyan ng katarungan si Perez. (Ulat ni Joy Cantos)