Taksil na misis, nilikida ng NPA rebels
April 22, 2001 | 12:00am
KALIBO, Aklan Isang 38-anyos na ginang ang hinihinalang pinaslang ng mga miyembro ng Revolutionary Proletarian Army- Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) makaraang akusahang nagtaksil sa kanyang asawa, kahapon ng umaga.
Ayon kay Police Inspector Luther Lugo III, kasalukuyang hepe ng pulisya sa Ibajay, ang biktima ay nakilalang si Myrna Naderama. Ito ay natagpuan ng mga awtoridad na nakatali ng nylon ang leeg at patay na nakaluhod sa loob ng kanilang sementadong comfort room kahapon ng umaga.
Ayon kay Lugo, pinagsususpetsahan nilang mga miyembro ng RPA-ABB na aktibo sa bayan ng Ibajay ang posibleng may kagagawan sa naganap na krimen makaraang mag-iwan ng maliit na sulat ang mga ito sa tabi ng biktima.
Ayon sa sulat, si Myrna diumano ay nagtaksil sa kanyang asawa kaya dapat lang umano na hatulan ito nang kamatayan. Ang sulat ay may pirma ng RPA-ABB Aklan.
Binanggit pa sa sulat na isusunod nilang patayin ang diumanoy naging kabit ni Myrna na nakilala lamang sa pangalang John.
Gayunman, patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon ng pulisya ukol sa insidente. Hindi naman nila inaalis ang iba pang anggulo sa kaso. (Ulat ni Jun Aguirre)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest