Bunga nito, ipinasiya ni Phil. Army Commanding General. Lt. Gen. Jaime delos Santos na panatilihin na lamang ang malaking bahagi ng kabuuang puwersa ng militar sa mga lugar ng Mindanao kung saan inaasahan ang pagdanak ng dugo.
Kabilang sa mga lugar na matamang pinagtutuunang pansin ng AFP ay mga lalawigan ng Agusan del Sur, Agusan del Norte, Sulu, North Cotabato, South Cotabato, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte.
"Walang movement ng tropa, walang babalik sa Luzon area, yan ang order ko sa Southcom commander", pahayag ni delos Santos.
Binigyang diin nito na ito ay naglalayong mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga karahasan at pagpaslang sa mga tatakbong kandidato dito, maging ito man ay pang-lokal na posisyon lamang.
Idinagdag pa ng Army chief na may 2,000 tropa ng sundalo na nakatalaga sa katimugang bahagi ng bansa na nagsasagawa ng operasyon laban sa mga bandidong Abu Sayyaf ang siya ring aagapay sa puwersa ng pulisya na pangasiwaan ng mapayapa at matiwasay na pagsasagawa ng eleksyon. (Ulat ni Joy Cantos)