2 pulis natodas sa hiwalay na karahasan
April 19, 2001 | 12:00am
ORION, Bataan Dalawang tauhan ng pulisya ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa hiwalay na insidenteng naganap sa bayang ito, kamakalawa.
Nakilala ang mga nasawi na sina SPO1 Pedrito Sisperez Jr., miyembro ng Limay Municipal Police Station at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Landing Limay at PO3 Rafael Imperial, 43, na nakatalaga naman sa Orion Municipal Police Station.
Ang unang insidente ay naganap dakong alas-6 ng hapon habang si Sisperez ay lulan ng kanyang service na Yamaha motorcycle patungong istasyon para mag-duty ng tambangan ng hindi malamang bilang ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Puting Buhangin, Orion.
Ito ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Samantala, si Imperial naman ay binaril at napatay ng apat na di-kilalang suspect sa loob ng Saranghe Videoke Bar sa Barangay Daang Bilolo Orion.
Ang biktimang si Imperial ay nagtamo ng 13 tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan na siya nitong ikinamatay.
Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa naganap na dalawang pagpaslang. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest