^

Probinsiya

Hindi makayanan ang pagiging working student, nagbigti

-
BARAS, Rizal – Kalungkutan ang siyang nadama ng isang pamilya sa Pasko ng Pagkabuhay noong nakalipas na Linggo matapos na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang working student na siyang inaasahan nilang mag-aahon sa kanila sa hirap matapos na sumuko ito sa kanyang sitwasyong pinansiyal sa bayang ito, kahapon ng madaling araw.

Malamig nang bangkay na natagpuan ng kanyang inang si Maria Clara si Rimallo Sison Jr., binata, 2nd year student sa Guzman Institute of Technology ng Barangay Pinugay, Baras sa loob ng kuwarto dakong alas-3 ng madaling araw.

Isang lubid na itinali sa kisame ng bahay ang ginamit ni Rimallo sa pagpapakamatay.

Isang suicide note ang iniwan nito sa kanyang pamilya na nagsasaad ng ganito: " Mama, Ela, Jeffrey, Judeh, Patawad ".

Binanggit pa sa ulat na naging mahirap ang buhay ng biktima dahil sa pinagsasabay nito ang pag-aaral at ang pagtatrabaho upang suportahan ang kanyang ina at mga kapatid.

Maaari umanong hindi na nakayanan ni Rimallo ang bigat ng pananagutan na kanyang dala kaya napilitan na lamang itong kitlin ang kanyang buhay. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY PINUGAY

BINANGGIT

DANILO GARCIA

GUZMAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY

ISANG

JEFFREY

JUDEH

MARIA CLARA

RIMALLO

RIMALLO SISON JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with