Kandidato sa pagka-konsehal, nakuryente sa swimming pool
April 15, 2001 | 12:00am
LINGAYEN, Pangasinan Isang nangungunang kandidato ng LAKAS-NUCD sa pagka-konsehal sa lunsod ng Urdaneta ang nakuryente habang sinasagip nito ang dalawang bata na nalulunod sa swimming pool noong Huwebes ng tanghali.
Ang nasawi ay nakilalang si Antonio Rosales, 43, kandidatong konsehal at residente ng Bgy. Bayaoas,Urdaneta City na nagmistula ring bayani dahil sa pagsagip nito sa dalawang batang nalulunod sa swimming pool.
Ang dalawang bata na kamag-anak ng nasawi ay isinugod sa Urdaneta Sacred Heart Hospital ay nakilalang sina Rey Ann Reyes,6 at Jaezer Ferrer,5.
Sa inisyal na pagsisiyasat bago naganap ang insidente, ang nasawi at ilan nitong kamag-anak ay naliligo sa Lisland Rainforest Resort habang ang dalawang bata ay masayang naliligo naman sa kabilang swimming pool na para sa bata ng ang mga ito ay nalunod.
Nang marinig ng nasawi ang sigaw ng mga kasamahan ng dalawang bata na nalulunod agad itong sumaklolo subalit sa kinasamang palad ay nasagi nito ang isang kawad ng kuryente na naging dahilan ng kamatayan nito. (Ulat ni Cesar Ramirez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest