^

Probinsiya

7 coed, hinipuan sa swimming pool

-
DASMARIÑAS, Cavite – Humihimas ng malamig na rehas ang isang Indian national matapos na ito ay ireklamo ng pitong dalagang estudyante na hinipuan nito sa maseselang parte ng katawan habang lumalangoy sa swimming pool kamakalawa ng hapon sa bayang ito.

Hindi na binanggit ang pangalan ng mga biktima na pawang nasa edad 15 hanggang 19 anyos na estudyante ng high school at college na nakatira sa Bacoor, Cavite.

Samantala ang suspek na agad inaresto ng pulisya ay nakilalang si Rash Paul Singh,22,binata,negosyante at residente ng lalawigan ng Pampanga.

Sa pahayag ng mga biktima kay SPO1 Wency Tubay na dakong alas 3:00 ng hapon habang ang magkakaibigang biktima ay lumalangoy sa swimming pool ng Double V Resort na matatagpuan sa Bgy.Burol ay nakaramdam ang bawat isa sa kanila na may humihipo sa maseselang parte ng kanilang katawan.

Napansin nila ang suspek na nasa ilalim kaya inakala nilang aksidenteng nasagi lang nito ang kanilang maseselang parte ng katawan habang ito ay lumalangoy.

Muli umano nakiramdam ang mga biktima nang sumisid muli ang suspek sa ilalim at dito ay kitang-kita nila na sinasadya ang panghihipo sa kanila.

Agad na nagsiahon ang mga biktima at nagharap ng reklamo sa pulisya at inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BACOOR

BGY

BUROL

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DOUBLE V RESORT

HUMIHIMAS

MULI

RASH PAUL SINGH

WENCY TUBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with