Kasong libelo laban sa 3 katao, isinampa na ni Rep. Punzalan
April 12, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Nagsampa na ng kaso sa hukuman ang tatlong matataas na opisyal ng lalawigan ng Quezon sa taong nagsangkot sa kanila sa sinasabing illegal drug trade sa lalawigan na nagbunga ng pagkakahati-hati ng paniniwala ng mga residente dito.
Sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Ed Abcede, isinampa ni 2nd District Congressman Marcial Punzalan ang kasong libelo sa City Court laban kay Jonathan Perpinan, ang nagsangkot sa kanya at kay Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr. at dating Quezon PNP director Senior Supt. Charlemagne Alejandrino sa umanoy malakihang shipment ng droga sa Quezon.
Ganito rin ang naging hakbang nina Talaga at Alejandrino kasunod ng pagsasabing gumawa ng malaking kasiraan sa kanilang pamilya ang malisyosong pagbubulgar ni Perpinan.
Sa kabilang banda ay buong pagkakaisang sinuportahan ng mga kaparian sa lunsod ng Lucena at lalawigan ng Quezon si Fr. Raul Enriquez, ang isa sa dalawang paring hiningan ng tulong ni Perpinan.
Magugunitang kinasuhan ni Perpinan ng kasong illegal drug trade at kidnapping ang nabanggit na opisyal. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest