12 Sayyaf nasakote ng militar
April 9, 2001 | 12:00am
Labindalawang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga militar matapos makasagupa ang mga tauhan ng pamahalaan kamakalawa sa Talipao, Sulu.
Sa nakarating na ulat sa Camp Aguinaldo operations center, bandang alas-6:35 kamakalawa ng gabi habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Philippine Army (PA) sa pamumuno ni Major Marcos ng mamataan nila ang isang grupo ng armadong kalalakihan sa isang tahanan sa Barangay Kabatuan, Talipao, Sulu.
Nagkaroon ng mahigit 10 minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at ASG members hanggang sa masukol ang mga ito ng militar kaya napilitang sumuko.
Isa sa mga ASG member ang nasugatan na nakilalang si Ambre Adam habang wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa panig ng pamahalaan.
Nasamsam sa grupo ng bandido ang ibat ibang kalibre ng matataas na armas at mga dokumento. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest