Mayor Buan, ipame-medical check-up at de-briefing
April 8, 2001 | 12:00am
Ipapasailalim sa isang puspusang medical check-up at de-briefing si Army Major Noel Buan, matapos siyang palayain ng grupong Melito Glor Command ng New People’s Army matapos ang 21 buwan na pagkabihag.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Angelo Reyes bilang tugon kung kailan babalik si Buan sa serbisyo matapos na mabihag ng mga rebeldeng komunista noong 1991.
Halatang mahina pa ang katawan ni Buan nang humarap ito sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bagaman hindi na mahaba ang kanyang buhok at nakasuot na ito ng kanyang uniporme.
" Kababawi lang namin sa kanya kung kaya’t isasailalim muna siya sa medical check-up at pagkatapos niya ay de-briefing. Makaraan ang mga hakbang na ito inaasahang babalik na sa ayos ang disposisyon ni Major Buan. Hindi natin alam kung gaano katagal ang prosesong ito", ani Reyes.
Hiniling ng liderato ng AFP na huwag munang pagtatanungin si Major Buan dahil hindi pa ito nakakabawi sa karanasan sa kamay ng mga rebelde.
Samantala, hinangaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang tiyaga at sigasig ni Mrs. Cielo Buan sa paghanap ng paraan para sa maagang paglaya ng kanyang nabihag na asawang si Major Buan.
Inihayag ito ng Pangulong Arroyo matapos na magbigay-galang sa kanya sa Malacañang ang pinalayang Army Major na bagong gupit na ang buhok at nakasuot na ng uniporme.
"Hindi siya nawalan ng pag-asa. Nanatili siyang nakikipag-ugnayan sa akin, nakikipag-ugnayan siya kay NDF chairman Jose Maria Sison, sa mga opisyal ng dating administrasyon at lahat ng nakikinig sa kanyang pakiusap. Kaya naman nagbunga din ang kanyang tiyaga at ngayon ay nakabalik na sa piling ng guwapo niyang asawa", anang Pangulo.
Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na ang naganap na pagpapalaya kay Buan ay isang positibong hakbang tungo sa panunumbalik ng negosasyong pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest