^

Probinsiya

Shampoo, hudyat ng kalayaan ni Buan

-
Dalawang araw bago ang tuluyang paglaya ni Army Major Noel Buan sa kamay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) alam na nito na walang dudang matutuloy na ang kanyang paglaya at pagbalik sa kanyang pamilya.

Alam ba ninyo kung bakit? Dalawang araw bago siya palayain at binigyan siya ng shampoo ng kanyang mga captors, bagay na hindi nangyari sa nakaraan sa loob ng may 21 buwan niyang pagkabihag.

Ito ang nabatid kahapon kay Senator Loren Legarda, na siya ring namuno sa humanitarian and peace mission na nagsaayos sa pagpapalaya kay Major Buan.

Ayon sa senador ito ang inihayag sa kanya ng binihag na Army major sa isang maiksi nilang kuwentuhan habang sila ay pabalik na sa Maynila buhat sa masukal na bulubunduking bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro.

Binanggit umano ni Buan na ang shampoo ang nagbigay sa kanya ng hudyat na tuloy na ang kanyang paglaya.

Magugunitang maraming beses na ring nabalita ang paglaya ni Buan, subalit ito ay madalas na nauudlot hanggang sa magkatotoo na nga noong nakalipas na Biyernes.

" Kaya naman pansin mo ang makintab at malinis nitong buhok ng lumabas ng kagubatan noong Biyernes", pahayag ng senadora.

Binanggit pa nito na parang ayaw pa umanong ipagupit ni Buan ang kanyang mahabang buhok at ayaw pa nitong ipaahit ang balbas, hanggang sa makumbinsi lamang ito ng asawang si Cielo na kailangang humarap siyang malinis kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang bagong commander-in chief sa Malacañang.

Hiniling umano ni Cielo sa personal barber ng Buan na magtungo sa Army Hospital sa Fort Bonifacio para doon gupitan ang kanyang asawa.

Pinahaba ni Buan ang kanyang buhok at balbas sa loob ng 21 buwan niyang pagkabihag bilang umano pagpapakita ng protesta sa mga bumihag sa kanya.

Binanggit pa nito na halos anim na beses lamang siyang pinapaligo sa panahon ng kanyang pagkabihag. (Ulat ni Marichu Villanueva)

ARMY HOSPITAL

ARMY MAJOR NOEL BUAN

BINANGGIT

BIYERNES

BUAN

CIELO

DALAWANG

FORT BONIFACIO

KANYANG

MAJOR BUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with