^

Probinsiya

Major Buan, palalayain bago mag-Semana Santa

-
Nakatakda nang palayain sa susunod na linggo o bago sumapit ang Semana Santa ang nalalabi pang prisoners of war ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na si Army Major Noel Buan na mahabang panahon na ring bihag sa Southern Tagalog.

Ito ang inihayag kahapon ni National Security Adviser Roilo Golez, na umano’y base na rin sa pangako ni National Democratic Front (NDF) chief negotiator Luis Jalandoni

Sinabi ni Golez na nagbigay na ng kautusan si Jalandoni sa mga miyembro ng Melito Glor Command ng NPA na nakabase sa Southern Luzon para pakawalan si Buan kung saan tinatalakay na ang proseso ng pagpapalaya sa naturang bihag.

Ipinaliwanag ni Golez na kaya nagkaroon ng pagkaantala sa pagpapalaya kay Buan ay dahilan sa inoobserbahan pa ang ilang mga patakaran na gagamitin sa mapayapang proseso sa pagpapalaya dito.

Idinagdag pa nito na maliban sa kinatawan ng NDF at ng pamahalaan ay kabilang rin ang International Committee of the Red Cross (ICRC) sa magpapartisipa sa inaasahang pagpapalaya kay Buan.

Magugunita na si Buan ay mahigit na sa dalawang taong bihag ng mga rebeldeng NPA sa kabundukan ng San Pedro, Laguna. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMY MAJOR NOEL BUAN

BUAN

GOLEZ

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

JOY CANTOS

LUIS JALANDONI

MELITO GLOR COMMAND

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with