P5M shabu, marijuana nasamsam
March 29, 2001 | 12:00am
Mahigit sa limang milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng National Drug Law Enforcement and Prevention Center (NDLEPC) sa magkakasunod na operasyon na isinagawa sa Sulu, Benguet, Batangas at sa Taguig.
Sa ulat na tinanggap ni DILG Secretary Joey Lina, nasabat ng mga tauhan ng Taal PNP sa isinagawang checkpoint sa Batangas ang may 2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng may P3.6 milyon na itinago sa ilalim ng passenger seat ng Mitsubishi Adventure na minamaneho ng isang Agapito Magsano.
Nadakip naman sa Taguig ang isang Robert Santos at nasamsam dito ang may 221 gramo ng shabu.
Sa Sulu, 27 katao ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Special Action Force at Phil. Army sa isinagawang buy-bust operations kung saan ay umabot sa 105 gramo ng shabu ang nakumpiska .
May 11, 000 puno naman ng marijuana ang sinunog ng mga tauhan ng pulisya makaraang salakayin ang marijuana plantation sa Sitio Amsaka sa Barangay Beling-Beling sa Benguet. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest