Trader tinodas habang nag-eehersisyo sa bahay
March 28, 2001 | 12:00am
CALAMBA, Laguna Isang mayamang negosyanteng Intsik na nagmamay-ari ng malalaking kompanya at sinasabing tumutulong sa mga politiko dito ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan habang nag-eehersisyo sa harapan mismo ng kanyang bahay sa Calamba, Laguna, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Superintendent Virgelio Tibayan, hepe ng Calamba Police Station ang nasawing biktima na si Hector Tan, 70, may-ari ng Hectan Commercial Complex at residente ng Barangay Halang sa nasabing lalawigan.
Namatay noon din ang biktima bunga ng tinamong apat na tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Kaugnay nito, agad na ipinag-utos ni Chief Supt. Domingo Reyes, Southern Tagalog Provincial Director ang pagsasagawa ng manhunt operations laban sa dalawang nakatakas na mga suspect.
Nabatid na dakong alas-7:20 ng umaga ng maganap ang insidente habang ang biktima ay nag-eexercise sa harapan ng kanyang malaking bahay na nasa loob ng compound nang biglang dumating ang mga suspect lulan ng isang motorsiklo.
Tinapatan ng mga ito ang biktima at saka pinaulanan ng bala ng baril. Matapos matiyak na napatay na ang target ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect.
Hindi pa matiyak ng pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang, gayunman tinitingnan ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa alitan sa angkan o negosyo. Tinitingnan din ang anggulong may kinalaman dito ang grupo ng rebeldeng NPA. (Ulat nina Ed Amoroso at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended