Buan, palalayain na - Bello
March 25, 2001 | 12:00am
Malaki ang pag-asa ng pamahalaan na hindi na aabutin ng isang linggo ay palalayain na ang matagal ng bihag ng mga rebeldeng New People’s Army si Major Noel Buan na dinukot noong 1999 sa isang army detachment sa Pili, Camarines Norte.
Ito ang nabatid kahapon kay GRP Panel Chairman at dating Justice Secretary Silvestre"Bebot" Bello III sa isang pulong-balitaan sa isang restaurant sa Maynila.
Isang negosasyon ang ginagawa ng pamahalaan sa tiyak at agarang pagpapalaya kay Buan batay na rin sa personal na pakikipag-usap ni Bello kay CPP-NPA-NDF Chairman Joma Sison.
Tinitiyak lang ni Bello ang kaligtasan naman ng mga susundo kay Buan dahil sa baka ito naman ang umano’y bihagin at maging kapalit. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest