Ama pinatay ng anak
March 23, 2001 | 12:00am
Isang 41-anyos na ama ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kanyang sariling anak makaraang magdilim ang isip ng huli matapos naman itong gulpihin ng una na naganap sa Tulod, Lanao del Norte, ayon sa ulat ng pulisya, kahapon.
Namatay noon din ang ama na si Rogelio Obillo, ng Barangay Poblacion sa bayan ng Tulod.
Nakilala naman ang suspect na anak na si Ronie Obillo, 20, walang trabaho.
Base sa ulat, naganap ang madugong insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa mismong tahanan ng mag-ama.
Ayon sa paunang imbestigasyon, ginulpi ni Rogelio ang anak sa hindi naman malamang dahilan.
Nang hindi na umano makayanan ng biktima ang panggugulpi ng kanyang ama ay kinuha nito ang nakatagong baril at sunod-sunod na pinaputukan ang matandang Obillo.
Ang biktima ay hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa pagamutan.
Sumuko naman si Ronie matapos mapatay ang kanyang ama.
Binanggit nito sa mga awtoridad na hindi na niya nakayanan ang palagiang panggugulpi na ginagawa sa kanya ng kanyang ama at nagdilim lamang ang kanyang isip kaya nabaril niya ito.
Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang naturang kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 2 hours ago
By Victor Martin | 2 hours ago
By Omar Padilla | 2 hours ago
Recommended