P30-M campaign money mula kay Jinggoy laban kay Bong
March 22, 2001 | 12:00am
Dating matalik na magkaibigan, ngayon ay magkaaway na sa larangan ng pulitika.
Si San Juan Mayor Jinggoy Estrada na kumpadre at matalik na kaibigan sa mundo ng showbiz ni Cavite Gov. Ramon "Bong" Revilla Jr., ayon sa source na opisyal sa local government ng Cavite na umanoy nagbigay ng P30 milyon upang suportahan ang makakatunggali ni Bong sa pagka-gobernador ng Cavite na si Cong. Ayong Maliksi ng 2nd District.
Matatandaan na nagkaroon ng puwang ang pagkakaibigan ng dalawa ng sumanib sa puwersa ng People Power 2 na nagpatalsik kay Pangulong Joseph Estrada si Revilla.
Sa isang pangangampanya sa bayan ng Bacoor para kay dating Unang Ginang Loi Estrada na tatakbo bilang senador, si Jinggoy, ayon sa source ang mismong nag-abot ng tsekeng P30 milyon kay Cong. Maliksi. Mariin namang itinanggi ni Cong. Maliksi sa isang panayam na nakatanggap siya ng ganitong suporta buhat kay Jinggoy. (Ulat ni Wilfredo Suarez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended