5 killer ng 2 UP students kinasuhan na ng homicide
March 21, 2001 | 12:00am
VILLASIS, Pangasinan Pormal nang ipinagharap ng kasong homicide ng 102nd Criminal Investigation and Detection Team na nakabase sa Lingayen ang limang suspects na sangkot sa pagkidnap at pagpaslang sa dalawang UP students na sina Giancarlo Leung at Tihani Tingal.
Ang kaso ay isinampa sa Municipal Trial Court laban kina Raymund Testado, Bong Sison at Ronaldo Domalina at dalawang hindi nakikilalang suspects.
Ang tatlo sa mga suspects ay kasalukuyang nakaditene pa sa CIDG cell sa Baguio City.
Base sa isinumiteng rekord, naganap ang krimen noong Marso 8, ng gabi sa Leubach Road sa Baguio City na dito puwersahang dinukot ang dalawang biktima at pagkatapos ay humingi sa mga kamag-anak nito ng halagang isang milyong piso kapalit ng pagpapalaya sa dalawang biktima.
Ang naturang halaga ay iniulat na idineliber ng ina ng biktimang si Leung sa mga akusado sa national highway ng Urdaneta-Villasis, Pangasinan, gayunman ang bayaran ay hindi naging matagumpay matapos na tuluyang patayin ng mga suspects ang kanilang mga bihag at pagkatapos ay magkahiwalay na itinapon sa San Simon at Mexico, Pampanga noong nakalipas na Marso 11, 2001.
Magugunitang lumabas sa paunang imbestigasyon na fraternity war ang pinag-usbungan ng naganap na krimen. (Ulat nina Eva De Leon at Cesar Ramirez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest