^

Probinsiya

PNP detachment sinalakay ng NPA; pulis dedo, 3 pa sugatan

-
Napaslang ang isang tauhan ng pulisya, habang tatlo pa ang malubhang nasugatan kabilang ang isang police colonel makaraang paulanan ng punglo ng hindi mabilang na mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na sumalakay sa isang detachment ng pulisya sa Compostella Valley, kamakalawa.

Nakilala ang nasawing pulis na si PO1 Joseph Imperial, miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF). Si Imperial ay nagtamo ng mga tama ng punglo sa ibat-ibang bahagi ng katawan na siya nitong agarang ikinasawi.

Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina Supt. Wilfredo Cabrera, Task Force Director, mga tauhan nitong sina PO1 Arnold Santos at PO1 Peter Dulag, pawang mga kasamahan ng nasawing biktima.

Batay sa isinumiteng report kahapon ng PRO11 sa Camp Crame, isa rin ang napaslang sa panig ng mga umaatakeng rebelde, bagaman hindi pa natukoy ang pangalan nito, habang tinatayang marami rin ang sugatan sa makakaliwang puwersa.

Napag-alaman na dakong alas-10 ng umaga ng bigla na lamang sumalakay ang grupo ng mga rebeldeng NPA mula sa kabundukan at pinaulanan ng punglo ang Task Group Monkayo Detachment Depot sa bisinidad ng Upper Ulip, Monkayo, Compostella Valley.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay mabilis na nagdepensa ang mga tauhan ng pulisya na humantong sa mainitang pagpapalitan ng putok ng magkabilang panig. Makalipas ang ilang minuto ay mabilis na nagsiatras ang mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

ARNOLD SANTOS

CAMP CRAME

COMPOSTELLA VALLEY

JOSEPH IMPERIAL

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PETER DULAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with