5 taon baliw nakuryente gumaling
March 19, 2001 | 12:00am
GUINOBATAN, Albay Maituturing na himala ang naganap sa isang 39 anyos na lalaki na umano ay limang taon na baliw matapos na ito ay gumaling nang ito ay makuryente sa poste ng Albay Electrical Company (ALECO) kamakalawa ng umaga sa Bgy.Travesia ng bayang ito.
Ang biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital dahil sa mga lapnos na natamo nito sa buong katawan ay nakilalang si Marcelo Perez, residente ng Bgy. Carolina, Naga City.
Ayon kay Insp. Alberto Barrera, hepe ng pulisya na dakong alas 6:00 ng umaga ng maglambitin sa puno si Perez bago ito ay umakyat sa poste ng Aleco.
Nabahala ang mga residente sa ginawang pag-akyat sa poste ni Perez dahil sa baka ito ay makuryente.
Si Perez ay limang taon ng may kapansanan sa utak matapos hindi nito makayanan ang ginawang pag-iwan ng kanyang asawa na sumama sa ibang lalaki.
Mabilis na nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad para iligtas at ibaba ang biktima sa poste.
Subalit natakot umano ang biktima at aksidenteng nahawakan nito ang bukas na kawad ng kuryente kayat nangisay ito at nahulog.
Nang ito ay maisugod sa ospital ganoon na lamang ang pagtataka ng mga kapatid nito at kamag-anak at halos hindi sila makapa-niwala ng bumalik na ito sa katinuan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am