Sinabi ni Gerochi na sa kasalukuyan, umaabot na lamang sa 16,538 cubic meters ang nasamsam na mga troso na nangangahulugang nawawala ang 8,269 cubic meters nito na nagkakahalaga ng may P15 milyon.
Dahil dito, sinabi ni Gerochi na pinaiimbestigahan niya ang mga opisyal ng DENR sa Region 13 at ang Natural Resources Development Corporation sa Surigao del Sur at Davao Oriental dahil sa ang mga ito ang siyang nangangalaga sa mga nabanggit na troso.
Malamang umano na may naganap na sabwatan sa ilang mga opisyal at tauhan sa naturang rehiyon kaya nagawang maibenta ang bahagi ng mga kumpiskadong troso.(Ulat ni Angie dela Cruz)