^

Probinsiya

Pagkawala ng mga troso, bubusisiin

-
Ibinulgar kahapon ni DENR Acting Secretary Joemari Gerochi na naibenta na ang ilan o bahagi ng P146 milyong halaga ng nakumpiskang mga troso sa Mindanao na kinabibilangan ng 21,000 cubic meters ng pinutol na mga troso.

Sinabi ni Gerochi na sa kasalukuyan, umaabot na lamang sa 16,538 cubic meters ang nasamsam na mga troso na nangangahulugang nawawala ang 8,269 cubic meters nito na nagkakahalaga ng may P15 milyon.

Dahil dito, sinabi ni Gerochi na pinaiimbestigahan niya ang mga opisyal ng DENR sa Region 13 at ang Natural Resources Development Corporation sa Surigao del Sur at Davao Oriental dahil sa ang mga ito ang siyang nangangalaga sa mga nabanggit na troso.

Malamang umano na may naganap na sabwatan sa ilang mga opisyal at tauhan sa naturang rehiyon kaya nagawang maibenta ang bahagi ng mga kumpiskadong troso.(Ulat ni Angie dela Cruz)

ACTING SECRETARY JOEMARI GEROCHI

ANGIE

CRUZ

DAHIL

DAVAO ORIENTAL

GEROCHI

IBINULGAR

MALAMANG

NATURAL RESOURCES DEVELOPMENT CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with