DILG agent todas sa shoot-out
March 16, 2001 | 12:00am
IMUS, Cavite Isang civilian agent ng DILG Katapat ang iniulat na nasawi sa shootout na naganap sa pagitan ng kanilang grupo at ng mga tauhan ng Cavite Intelligence and Investigation Bureau sa kahabaan ng Barangay Anabu 2 sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Superintendent Samuel Pagdilao, Cavite Provincial Director ang nasawi na si Cornelio Lara, 57, na sinasabing isang civilian agent ng DILG Katapat base na rin sa nakuhang ID dito.
Habang dalawang kasamahan nito ang iniulat na tumakas matapos ang naganap na engkuwentro.
Batay sa ulat, nakasagupa ng grupo ng biktima ang mga miyembro ng Cavite Intelligence na nakilalang sina SPO1 Concordio Talingting, SPO1 Danilo Nobero, PO3 Nikomedes Hernandez at PO2 Joey Saulog dakong alas-8:30 ng gabi.
Binanggit pa sa ulat na kagagaling pa lamang ng grupo ng Cavite police sa isang operation lulan ng isang asul na Mitsubishi Lancer nang bigla na lamang umanong tumawid ng wala sa lugar ang grupo ng biktima na noon ay pawang mga lasing at my bitbit na baril.
Sinita umano ang mga ito ng mga pulis, ngunit sa halip na makinig ay nagalit umano ang grupo ng biktima sabay pagsasabing sila rin ay mga pulis.
Dito na nagsimula ang mainitang pagtatalo ng dalawang grupo hanggang sa marinig na ang sunud-sunod na putok ng baril galing sa magkabilang panig.
Nang tumigil ang putukan ay nakitang nakahandusay si Lara, habang ang dalawa nitong kasamahan ay mabilis na tumakas.
Nasamsam sa nasawi ang isang cal. 38 na baril na walang lisensiya at ang ID ng DILG Katapat.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad ukol sa insidente. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am