Lider ng Marawi Gang nasakote
March 15, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Isang umano’y lider ng local drug syndicate na tinaguriang ‘Marawi Gang ‘ ang nasakote ng operatiba ng 4th Narcotic Office sa isinagawang buy-bust operation, kamakailan.
Kinilala ni Supt. Donatilo Balabala, 4RNO chief ang nadakip na drug pusher na si Mama Hassim, alyas Mama, tubong Sultan Kudarat, Maguindanao at pansamantalang naninirahan sa Islamic Compound, Barangay Culiat, Tandang Sora, Quezon City.
Nasamsam ng mga tauhan ni Balabala kay Hassim ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P400,000 sa isang nakataling plastic sachet at nakalagay sa loob ng isang bag.
Ayon kay Balabala, si Hassim ay pang-apat na Muslim na nadakip ng kanyang mga tauhan na nakabase sa Muslim area sa Quiapo sa Maynila at hinihinalang isa sa supplier ng droga sa lalawigan ng Laguna at Cavite.
Dakong alas-4 ng madaling araw ng isagawa ang buy-bust operation sa harap ng isang food chain sa Baclaran, Parañaque City. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest