^

Probinsiya

Pagdukot at pagpatay sa mag-syota, bubusisiin

-
Magkatuwang na iniimbestigahan ngayon ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) at Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang brutal na pagpaslang ng mga pinaghihinalaang big time kidnap-for-ransom sa isang magkasintahan sa kabila ng pagbabayad ng pamilya ng mga biktima ng ransom sa mga kidnappers sa Baguio City, kamakailan.

Sinabi ni Acting PNP chief, Deputy Director General Leandro Mendoza, sa kasalukuyan ay wala pa silang makitang dahilan kung bakit tinuluyang paslangin ng mga kidnappers ang magkasintahang kinilalang sina John Carlos Leong at Honey Tingale.

Sina Leong at Tingale ay kapwa estudyante ng University of the Philippines (UP) na dinukot noong Marso 8 ng taong ito sa nasabing lungsod.

Inihayag ni Mendoza na ginagawa ng mga awtoridad ang kanilang makakaya sa isinasagawa nitong imbestigasyon upang matukoy at maiharap sa batas ang mga kidnappers.

Ayon kay Mendoza, nauna nang humingi ng P4M ransom ang mga suspect sa pamilya ng dalawang biktima subali’t P2M lamang ang naibigay sa mga kidnappers.

Base sa teorya ng mga awtoridad, posibleng nairita ang mga kidnappers dahilan tig-P1M lamang ang naibigay na ransom para kina Leong at Tingale kaya’t tinuluyan ang mga itong patayin.

May hinala rin ang pulisya na posibleng kakilala ng mga biktima ang mga salarin kung kaya’t matapos na matanggap ang ransom money ay tinapos ang buhay ng magkasintahan.

Ang dalawang bangkay ay tadtad ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at itinapon sa dayamihan sa palayan sa lalawigan ng Pampanga.

Magugunita na ang bangkay ng dalawang estudyante ay natagpuang itinapon matapos na brutal na paslangin sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Pampanga. Ang labi ni Leong ay natagpuan sa bayan ng Mexico, samantalang ang bangkay naman ni Tingale ay narekober sa San Antonio, Pampanga. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAGUIO CITY

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

HONEY TINGALE

JOHN CARLOS LEONG

JOY CANTOS

LEONG

MENDOZA

PAMPANGA

TINGALE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with