^

Probinsiya

Manugang na ipinagtanggol ang biyenan, tinodas ng bayaw

-
CARDONA, Rizal – Biyak ang ulo ng isang 26-anyos na lalaki matapos na tagain ito ng itak ng kanyang bayaw nang ipinagtanggol nito ang kanyang ina sa ginawang pananaksak ng una sa isang pagtatalo ukol sa apo nito, kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Halos lumuwa ang utak ng nasawing biktima na si Roger Daliday, may-asawa at residente ng Sitio Pasuluhan, Brgy. Looc, ng bayang ito. Kasalukuyang nasa kritikal na kundisyon naman ngayon sa loob ng Pasig City General Hospital ang kanyang sinaksak na biyenan na si Josephine Martinez, 40, dahil sa iba’t ibang tama ng saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ngayon ang suspek na anak ni Josephine na si Anthony Martinez, 25, residente ng naturang lugar na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng tirahan nina Martinez kung saan nakikisukob ang pamilya ni Daliday. Umuwi umanong lasing si Daliday at napagdiskitahan nito ang kanyang lalaking anak na ginulpi nito.

Inawat naman ng biktimang si Josephine ang kanyang manugang sa ginagawa nitong pambubugbog sa bata hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila. Dahil sa matinding pagkalasing, nagawang saksakin ni Daliday ang biyenang babae.

Matapos na masaksihan ang pananaksak sa kanyang ina, agad na sumaklolo si Anthony at nakakuha ng isang itak. Hindi na nakaporma pa si Daliday nang agad siyang tagain sa ulo ng galit na galit na suspek.

Unang isinugod ang dalawang biktima sa Morong General Hospital kung saan patay na nang dumating si Daliday. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTHONY MARTINEZ

DALIDAY

DANILO GARCIA

JOSEPHINE MARTINEZ

MORONG GENERAL HOSPITAL

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

ROGER DALIDAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with