Police major todas matapos masagip sa NPA
March 9, 2001 | 12:00am
Namatay sanhi ng pagkaubos ng dugo ang isang police major na kabilang sa Prisoners of War (POWs) ng New Peoples Army (NPA) sa Southern Tagalog ilang oras matapos itong sugatang mailigtas ng tropa ng militar sa isang aksidenteng engkuwentro sa 20 bilang ng mga rebeldeng komunista sa bulubunduking lugar ng Gen. Nakar, Quezon kahapon ng madaling araw.
Nabatid na hindi agad umano nalapatan ng lunas si C/Insp. Abelardo Martin dahil hindi ito na-airlift sanhi ng masyadong madilim sa lugar na pinagkokoberan ng mga militar mula sa mga kalaban na NPA at dagdag pa dito ang malakas na buhos ng ulan.
Batay sa isinumiteng ulat ni Major Gen. Jose Lachica, commander ng Joint Task Force ng AFP Northern Command sa Camp Aguinaldo na dakong alas-12:30 ng madaling araw ng masagip ng kanyang mga tauhan si Martin na naging bihag ng komunista sa loob ng isang taon at mahigit anim na buwan.
Sinabi ni Lachica na kasalukuyang nagsasagawa ng "blocking force" ang magkasanib na elemento ng 3rd Scout Ranger Batallion at 1st Infantry Batallion ng Philippine Army sa liblib na bisinidad ng Bgy. Damala ng nabanggit na bayan ng aksidenteng makasagupa ang mga NPA.
Ang nasabing blocking force ay kaugnay sa operasyon ng militar laban sa mga rebelde na nagsagawa ng pagsalakay noong Marso 2 sa Burdeos Municipal Station sa Polillo Island at dito ay tatlong pulis ang hinostage bagamat pinalaya pagkalipas ng ilang oras.
Agad nagkaroon ng palitan ng mga putok sa magkabilang panig at dito ay nasugatan ang isang Cpl. Jonal Moba at tinamaan din si Martin sa kaliwang pigi at dalawa sa dibdib kaya napilitang iwan ito ng mga rebelde para matakasan ang mga sundalo.
Halos walang paglagyan ng sandaling kagalakan ang may-bahay ni Martin na si Nenita dahil sa balitang nailigtas ang kanyang asawa subalit napalitan ito ng hinagpis at halos mawalan ng ulirat ng malamang namatay ang asawa nito habang dadalhin sa pagamutan bunga ng pagkaubos ng dugo.
Sinabi naman ni Defense Secretary Eduardo Ermita na hindi makakaapekto sa isinusulong na peace talks sa hanay ng mga komunistang rebelde ng pamahalaang Gloria Macapagal-Arroyo sa nangyaring pagkamatay ni Martin.
Samantala, magpapatupad nang Suspension of Military Operations (SOMO) ang pamahalaan sa Southern Tagalog upang matiyak ang mapayapang pagpapalaya sa isa pang bihag ng rebeldeng NPA na si Army Major Noel Buan.
Ito ay matapos na magbigay ng go-signal si Pangulong Arroyo sa SOMO sa rebeldeng komunista matapos ang pagkamatay ng bihag ng NPA na si C/Insp. Martin.(Ulat nina Joy Cantos, Tony Sandoval, Celine Tutor, Ely Saludar at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended