NPA rebels na sumalakay sa police station, tinutugis
March 4, 2001 | 12:00am
Nagpalabas kahapon ng malawakang operasyon ang PNP laban sa mahigit na 50 rebeldeng NPA na lumusob sa isang police station, nang-hostage ng mga pulis at pagkatapos ay tumangay pa ng matataas na kalibre ng armas, kamakalawa ng umaga sa Burdeos, Quezon.
Kasabay nito, ipinasailalim ni Acting PNP Chief Deputy Director General Leandro Mendoza sa red alert ang lahat ng units ng pulisya sa nasabing lalawigan upang maiwasang maulit pa ang naganap na pagsalakay ng mga rebeldeng komunista at panglalansi sa mga tauhan ng pulisya.
Base sa pinakahuling impormasyon, nakatanggap ng intelligence report ang nasabing himpilan hinggil sa umanoy presensiya ng mga rebeldeng NPA sa isang malayong barangay sa nasabing bayan. Mabilis namang nagresponde ang mga pulis, kung saan ay tatlo lamang ang naiwan sa nabanggit na istasyon.
Nang makaalis na ang ibang pulis ay saka sinalakay ng mga rebelde ang naturang himpilan ng pulisya at doon kinuha ang lahat ng armas.
Ginawa pang hostage sa kanilang pagtakas ang tatlong pulis na nakilalang sina SPO1 Suarez, SPO1 Suplido at PO1 Leynes. (Ulat nina Joy Cantos at Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am