Pekeng MILF naaktuhang nangongotong
February 28, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Isang obrero ang dinakip ng mga awtoridad matapos na ito ay magpanggap na miyembro ng MILF at nagtangkang mangotong sa isang may-ari ng sinehan sa lunsod, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang dinakip na si Rolando Roble, 28, binata, tubong Ozamis City at pansamantalang naninirahan sa Campo Subdivision sa Barangay Gulang-gulang dito.
Si Roble ay dinakip ng mga elemento ng SWAT sa isang entrapment operation na isinagawa dakong alas-2 ng hapon matapos na magreklamo sa himpilan ng pulisya ang isang Avelina Tan, may-ari ng Benco Cinema.
Sa reklamo ni Tan, sinabi nito na noong isang linggo lumapit sa kanyang opisina si Roble at nagpakilalang miyembro ng MILF.
Hinihingan nito ang negosyante ng halagang P100,000.00 bilang protection money sa kilusan umano ng mga Muslim.
Nagbanta pa umano ang suspect na guguluhin ang establisimento kung hindi ibibigay ang hinihinging halaga. Lingid sa kaalaman ng suspect ay nagsumbong na si Tan sa mga awtoridad kung kaya inihanda ang isang patibong laban dito. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest