Anak na babae inanakan ng 4 ng sariling ama
February 22, 2001 | 12:00am
MERCEDES, Camarines Norte Sukdulan na ang kahayukan ng isang adik na ama makaraang halayin nito sa loob ng sampung taon ang sarili niyang anak na kanya nang naanakan ng apat at hindi pa nasiyahan ay muli itong binuntis.
Hindi na nakatiis pa ang biktimang itinago sa pangalang Merriam, 30, kung kaya naglakas loob na siyang ihabla ang kanyang amang rapist na nakilalang si Angeles San Pascual, 53, mangingisda at naninirahan sa Barangay Gaboc, ng nasabing bayan.
Sa salaysay na ibinigay ng biktima kay SPO1 Flordeluz Esguerra, may hawak ng kaso, nagsimulang halayin ng suspect ang biktima taong 1989 noong si Merriam ay 18-anyos pa lamang sa lalawigan ng Catanduanes.
Sa loob ng sampung taon ay ginamit siya ng kanyang sariling ama. Apat ang kanyang naging anak.
Taong 2000 ay nagawa niyang makatakas sa kanyang ama, isinama niya sa pagtakas ang apat niyang anak at dito sa bayan ng Mercedes nakakilala siya ng isang biyudo na siyang kumupkop sa kanya.
Sa kabila na nabatid nito na buntis na naman siya na ang ama ay ang kanyang sariling tatay ay pinakisamahan pa rin siya ng biyudo kasama ang apat niyang anak.
Akala niya ay tapos na ang kanyang kalbaryo at makakapamuhay na sila ng tahimik, subalit noong nakalipas na Enero 16, ng taong kasalukuyan habang ang kanyang ka-live-in ay nangingisda sa laot ay biglang dumating ang kanyang ama at sapilitan na naman siyang ginahasa.
Dahil sa nakagisnang malaking takot sa ama walang nagawa ang biktima. Matapos ang insidenteng ito nagpasya na ang biktima na ihabla na ang kanyang hayok na ama.
Ang suspect ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Armando Reyta, MTC -Mercedes.
Nabatid na posible ring sampahan ng kaso ang asawa ng suspect dahilan sa kinunsinti nito ang kahalayang ginagawa ng kanyang asawa sa sarili nilang anak. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended