2 government troops, patay sa engkuwentro
February 17, 2001 | 12:00am
Dalawa sa tropa ng pamahalaan ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng hindi pa mabilang na mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng MILF sa naganap na karahasan sa isang liblib na lugar sa Purok 9, Poblacion Bayog, Zamboanga del Sur, kamakalawa.
Nakilala ang mga nasawi na sina Cpl. Rey Bularon at ang CAFGU na si Johnny Lagarto, kapwa nakatalaga sa 55th Infantry Battalion.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, bandang alas-11:30 ng gabi habang tinatahak ng mga biktima ang ruta patungo sa Kahayagan detachment nang biglang tambangan ng mga nakaabang na rebelde.
Pinaulanan ng bala ng mga nakaposisyong rebeldeng Muslim ang tropa ng pamahalaan na dito agad na napuruhan ang dalawang nabanggit.
Matapos ang isinagawang pananambang ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest