Ate ni GMA di tatakbong Pampanga governor

SAN FERNANDO, Pampanga – Walang balak ang nakatatandang kapatid ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tumakbong gobernador sa lalawigang ito upang kalabanin si Gov. Lito Lapid sa nalalapit na eleksyon.

Ayon sa source, gawa-gawa lamang umano ng ilang grupong nais sirain ang relasyon nina Gov. Lapid at nakatatandang kapatid ni Pangulong Arroyo na si Cielo Macapagal-Salgado kaya maraming streamers ang nakakabit sa bayang ito na humihiling kay Mrs. Salgado na tumakbong gobernador.

Idinagdag pa ng impormante, wala umanong balak si Mrs. Salgado na sumabak sa pulitika habang hinihintay naman ni Gov. Lapid kung papayagan pa rin ng Pangulo na tumakbong vice-governor sa ilalim ng ticket ng Lakas-NUCD ang presidential son na si Mikey Arroyo.

Inihayag ni Lapid na kahit nagpahayag na tatakbo muli si Vice-Gov. Clayton Olalia ay mas nais ng dating action star na maging runningmate niya ang anak ng Pangulo. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments