^

Probinsiya

Bus vs van: 5 katao patay

-
OAS, Albay – Lima katao ang kumpirmadong nasawi, samantalang marami pa ang nasugatan matapos na magbanggaan ang isang pampasaherong bus at isang L-300 van sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayan na ito, kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ruben Bonanza, empleyado ng DAR; Balbino Ledesma, empleyado ng Provincial Veterinary sa Albay; Sharon Rueda, estudyante; Aida Salvadora, assistant manager sa Pag-ibig, Cecil Mendoza, empleyado ng GSIS.

Samantalang ang mga sugatan ay pawang isinugod sa ibat-ibang pagamutan.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-6:45 ng umaga habang ang Peñafrancia Tour bus ay patungong Naga City, samantalang ang L-300 van ay patungo naman sa Legazpi.

Binanggit sa ulat na mabilis ang takbo ng naturang bus nang salpukin ang naturang van na kinalululanan ng mga empleyado ng Napocor, GSIS at Pag-ibig na pawang papasok sa kanilang tanggapan na nakabase sa lungsod ng Legazpi.

Nabatid na bago naganap ang trahedya ay nakita na ng ilang testigo ang bus na tagilid na ang takbo nito na parang nawalan ng kontrol hanggang sa tuluyan nga itong sumalpok sa van at saka tumilapon at bumaligtad.

Sinabi pa sa ulat na nag-over take ang bus sa isang pampasaherong jeep at dahil sa bilis ay nawalan ng kontrol at hindi na nagawa pang makaiwas sa kasalubong na van.

Matapos ang aksidente, mabilis namang tumakas ang driver ng bus na nakilalang si Archie Ruls na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad. (Ulat ni Ed Casulla)

AIDA SALVADORA

ALBAY

ARCHIE RULS

BALBINO LEDESMA

CECIL MENDOZA

ED CASULLA

LEGAZPI

MAHARLIKA HIGHWAY

NAGA CITY

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with