Informer ng militar dinukot bago nilikida
February 4, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Isang military informer ang iniulat na dinukot at pagkatapos ay pinahirapan bago pinaslang ng mga hinihinalang kasapi sa NPA sa Barangay Labney, Mayantoc, Tarlac, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang nasawi na si Daniel Papa, 39, sinasabing isang informer ng militar.
Ayon sa ulat ng pulisya, napag-alaman na ang biktima ay papauwi na sa kanyang tahanan dakong alas-4 ng hapon nang bigla na lamang harangin ng isang grupo ng armadong kalalakihang pinaniniwalaang mga rebeldeng NPA.
Isa umanong Kumander Oscar Esteban, alyas Ka Louie ang namumuno sa mga suspect ng kanilang dukutin ang biktima.
Makalipas ang isang araw ay natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima sa isang madamong lugar sa Barangay Labney, ilang metro lamang ang layo sa tahanan nito.
Naniniwala ang pulisya na lubhang pinahirapan muna ang biktima bago ito tuluyang pinatay dahil sa mga sugat at pasa na tinamo nito sa katawan. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest