^

Probinsiya

Ex-police nilikida sa sabungan

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Isang dating tauhan ng pulisya ang tinadtad ng bala hanggang sa mapatay ng apat na di-nakikilalang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Sparrow Unit ng NPA sa parking area ng Nasugbu Cockpit Arena, Sitio El Paso, Barangay Lumbangan, Nasugbu, Batangas City.

Sa spot report na nakarating dito, buhat sa Batangas -PPO, nakilala ang nasawing ex-policeman na si Melquiades Macandili, dating nakatalaga sa Batangas Provincial Police Office at residente ng Barangay Ulango, Tanauan, Batangas.

Si Macandili ay namatay habang ginagamot sa Apacible District Hospital sanhi ng mga tama ng bala na tinamo sa ibat-ibang bahagi ng katawan at ulo.

Lumabas sa isinagawang imbestigasyon na dakong alas-4 ng hapon nang lumabas si Macandili buhat sa sabungan at nagtungo sa kanyang sasakyan sa parking area . Pasakay na ito ng sasakyan nang biglang lapitan ng mga suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ng bala ng baril.

Bago nagsitakas ang mga salarin ay sumigaw pa ang mga ito ng "Mga Sparrow kami, walang makikialam dito".

Hindi pa matiyak ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pananambang. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

APACIBLE DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY LUMBANGAN

BARANGAY ULANGO

BATANGAS

BATANGAS CITY

BATANGAS PROVINCIAL POLICE OFFICE

ED AMOROSO

MELQUIADES MACANDILI

MGA SPARROW

NASUGBU COCKPIT ARENA

SI MACANDILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with